Skip to main content Skip to site navigation

Medi-Cal Mandatory Posting Filipino

Overview

Client & Family Welcome Information: Filipino/Tagalog

Welcome sa Mga Serbisyo sa Kalusugang Nauugnay sa Pag-uugali at Pagpapagaling (Behavioral Health and Recovery Services) ng San Mateo County

Upang mabigyan ka ng panimulang oryentasyon tungkol sa mga serbisyong available sa iyo, maingat naming binuo ang Welcome Packet na ito na nagsasaad sa lahat ng impormasyong kailangan mo upang ma-access ang aming network ng pangangalaga.

*Mga Provider: Ang mga item na may asterisk* ay dapat ilagay sa lobby ng lahat ng Klinika ng County at Contractor ng BHRS.

Mga Resource ng Telehealth para sa Mga Kliyente

*Paano ko makukumpirma ang mga kredensyal ng isang clinician? English | Spanish

Impormasyon ng Medi-Cal at Listahan ng Mga Provider ng BHRS

Impormasyon Tungkol sa Pagpapalit ng Provider at Paghahain ng Reklamo

Impormasyon tungkol sa Iyong Mga Karapatan

Mga Alituntunin para sa Pagtawag sa 9-1-1 Kapag May Emergency sa Kalusugan ng Pag-iisip

Pinansyal na Impormasyon

Napakahalagang magkaroon ka kaagad ng saklaw sa insurance sa kalusugan sa oras na sumali ka sa aming network ng pangangalaga upang matiyak na maiaalok namin sa iyo ang pinakakomprehensibong plano sa paggamot at patuloy naming maibibigay ang anumang gamot na kasalukuyan mo nang natatanggap nang walang anumang pagkaantala.

Kung mayroon ka nang saklaw sa kalusugan mula sa iyong employer, planong pribadong binili, Medicare (kasama ang anumang Prescription Coverage (Part D) plan) o ACE, pakitandaan ang sumusunod na mahalagang impormasyon:

  1. Pakibigyan kami ng kopya ng iyong card ng membership sa una mong pagpapatingin upang malaman namin kung sinasaklaw ng iyong carrier ang lahat ng aspekto ng iyong plano sa paggamot.
  2. Kung hindi na lingid sa iyong kaalamang hindi sinasaklaw ng iyong carrier ang sapat na antas ng pangangalaga, pakibigyan kami ng nakasulat na pahayag ng kawalan ng kakayahan ng carrier na ibigay ang iyong mga pangangailangan sa paggamot.
  3. Pakitandaang maaaring bayaran ng Medi-Cal ang ilan sa o ang lahat ng iyong serbisyo sa paggamot na maaaring patawan ng co-pay o naibabawas ng carrier ng iyong insurance.

Pakitandaan ding maaaring kwalipikado kang magpatala sa CareAdvantage kung mayroon kang libreng saklaw sa Medi-Cal at Medicare Part A at B.

Matutulungan ka naming magpatala sa isang Prescription Assistance Program na nagsa-subsidize ng iyong mga gastusin sa reseta para sa isang malaking diskwento, at na ibinibigay sa pamamagitan ng aming sariling departamento ng Mga Serbisyo sa Parmasya.

Upang hindi ka mahirapan, maaari kaming magsaayos ng isang komprehensibong screening para sa insurance sa kalusugan sa aming mga klinika o sa mga site ng aming mga katuwang sa komunidad o sa iyong bahay. Sa panahon ng nakabinbing pagpapatala, magagawa mong  kumuha ng mga serbisyo sa pamamagitan ng aming network ng pangangalaga. Para sa higit pang impormasyon sa mga pangkalahatang pamamaraan sa pagpapatala at opsyon para sa iyong anak at/o iyong pamilya, mangyaring makipag-ugnayan kay: Stefan Luesse, Manager para sa Health Insurance Outreach & Coordination, sa (650) 573 3502.