Skip to main content Skip to site navigation

Sa Tagalog

Overview

SMC Connected Care

Ang SMC Connected Care ay isang Pagpapalitan ng Impormasyon sa Kalusugan (Health Information Exchange, HIE) na ginagamit para sa elektronikong pagbabahagi ng impormasyong may kaugnayan sa kalusugan para sa mga pasyente at kliyenteng nakakatanggap ng mga serbisyo mula sa Sistemang Pangkalusugan ng San Mateo County. 

Ang kakayahang magpalitan ng impormasyon sa kalusugan sa elektronikong paraan ay susi sa pagpapaganda ng kalidad ng pangangalagang pangkalusugan, kaligtasan at kahusayan sa Estados Unidos. Pinamamahalaan ng SMC Connected Care ang pagbabahagi ng impormasyong may kaugnayan sa kalusugan sa elektronikong mga sistema ng rekord ng kalusugan (electronic health record, EHR) sa Sistemang Pangkalusugan. Ginagawa ito sa pamamagitan ng ligtas at naka-encrypt na pagpapalitan ng data gamit ang mga pamantayang partikular na binuo para sa pangangalagang pangkalusugan. Ang mga taong makaka-access lang at makakakita sa impormasyon ng pasyente ay ang grupong gumagamot na may kaugnayan sa pangangalagang pangkalusugan at itinalagang kawani.

Ang pagbabahagi ng impormasyon sa kalusugan sa elektronikong paraan ay inaalis ang pangangailangan para sa pag-fax, pagkopya at pagdadala ng rekord ng iyong kalusugan sa bawat provider.

Post

Mga Benepisyo (Benefits)
Nagkakaroon ng benepisyo ang mga pasyente kapag lumahok sa SMC Connected Care

Maraming paraan kung paano maaaring magdulot ng kabutihan sa iyo ang SMC Connected Care at bigyan ka ng pinakamataas na kumpiyansa at kasiyahan sa iyong pangangalagang pangkalusugan. Kabilang sa mga kabutihang ito ang pagtitipid ng iyong oras, pagpapaganda ng iyong pangkalahatang pangangalaga at karanasan, posibleng pagbawas sa mga gastos at pagpapaganda ng iyong pagkapribado sa pamamagitan ng pinakamataas na mga pamantayan ng seguridad.

Post

Aking Impormasyong Pangkalusugan (My Health Information)
Paano gagamitin ang aking impormasyong pangkalusugan?

Ibinabahagi ang impormasyong pangkalusugan sa SMC Connected Care para sa mga layuning paggamot lang.

Katulad din ng impormasyon ng iyong kalusugan na nasa papel na rekord, ang impormasyon ng iyong kalusugan sa SMC Connected Care ay pinoprotektahan ng Tuntunin sa Pagkapribado ng Batas sa Kakayahang Maglipat ng Impormasyon at Pananagutan sa Insurance sa Kalusugan ng taong 1996 (Health Insurance Portability and Accountability Act of 1996, HIPAA).

Sa ilalim ng tuntuning ito, maaari lang ibahagi ang impormasyon ng iyong kalusugan sa:

Post

Privacy, Seguridad, at sensitibong impormasyon (Privacy, Security, and Sensitive Information)
Paano poprotektahan ng SMC Connected Care ang aking impormasyong pangkalusugan?

Privacy at Seguridad

Gumagamit ang SMC Connected Care ng pinakamataas na mga pamantayan sa teknolohiya ng seguridad na mayroon sa industriya ngayon upang protektahan ang impormasyon ng iyong kalusugan.

Pinoprotektahan ng mga batas ng pederal at estado ang iyong pagkapribado sa pamamagitan ng pagtukoy sa kung sino ang maka-access ng iyong data. Ayon sa mga batas na ito, kailanman ay hindi ibibigay ang impormasyon ng iyong kalusugan sa sinuman bukod sa iyong pangkat sa pangangalagang pangkalusugan o mga awtorisadong clinician.

Post

Mga form at opsyon sa paglahok (Participation Forms and Options)
Mga sasagutan at ibabalik na form

Matuto pa tungkol sa iyong Mga Opsyon sa Paglahok sa SMC Connected Care gayundin sa mga sasagutang form kung gusto mong mag-opt out o mag-opt in muli sa SMC Connected Care.

Awtomatiko kang nakatala sa SMC Connected Care, kung kaya wala kang kailangang gawin upang maging kalahok ng SMC Connected Care. Kapag may appointment ka sa iyong provider ng pangangalaga, ligtas na ipadadala ang iyong impormasyon sa SMC Connected Care at ang mga provider ng iyong paggamot lamang ang makakakita nito.