Aking Impormasyong Pangkalusugan (My Health Information)
Paano gagamitin ang aking impormasyong pangkalusugan?
Ibinabahagi ang impormasyong pangkalusugan sa SMC Connected Care para sa mga layuning paggamot lang.
Katulad din ng impormasyon ng iyong kalusugan na nasa papel na rekord, ang impormasyon ng iyong kalusugan sa SMC Connected Care ay pinoprotektahan ng Tuntunin sa Pagkapribado ng Batas sa Kakayahang Maglipat ng Impormasyon at Pananagutan sa Insurance sa Kalusugan ng taong 1996 (Health Insurance Portability and Accountability Act of 1996, HIPAA).
Sa ilalim ng tuntuning ito, maaari lang ibahagi ang impormasyon ng iyong kalusugan sa:
- Ibang mga doktor at ospital para sa mga layunin ng paggamot
- Mga insurer para sa mga layunin ng pagsingil
- Mga ahensiya ng estado at pederal para sa pag-uulat ng kalusugan (tulad ng mga pagbabakuna at mga rehistro para sa kanser), ayon sa hinihiling ng batas
Kapag tinitingnan ka ng isang provider ng pangangalagang pangkalusugan para gamutin, maaari siyang makatanggap ng impormasyon tungkol sa kasaysayan ng iyong kalusugan mula sa ibang mga provider ng pangangalagang pangkalusugan na gumamot sa iyo dati.
Kung makakatanggap ka ng pangangalaga sa emergency department o ipinasok o lumabas ng ospital, maaabisuhan ng SMC Connected Care ang iyong mga doktor tungkol sa pangyayaring iyon. Sa isang emergency, magagamit din ng mga provider ng pangangalagang pangkalusugan ang SMC Connected Care upang makipag-ugnayan sa isa’t isa upang bumuo ng pinakamagandang plano para sa iyong patuloy na pangangalaga.
Ang mga impormasyong ibinabahagi sa iyong mga provider ng pangangalagang pangkalusugan ay maaaring kabilangan ng:
- Demograpikong Impormasyon
- Pangalan
- Petsa ng Kapanganakan
- Kasarian
- Pangunahing Wika
- Taong Kokontakin para sa Emergency
- Provider ng Pangunahing Pangangalaga
- Paunang Direktiba
- Listahan ng gamot
- Mga Alam na Alerhiya
- Kasaysayan ng Pagpunta para sa Pangangalagang Pangkalusugan (hal., mga klinika, emergency room, ospital). Maaaring kabilang dito ang mga petsa ng pagpunta, pagsusuri ng sakit at impormasyon ng provider ng pangangalagang pangkalusugan.
- Mga Resulta ng Pagsusuri sa Laboratoryo
- Mga Provider ng Pangkat sa Pangangalagang Pangkalusugan