Skip to main content Skip to site navigation

Privacy, Seguridad, at sensitibong impormasyon (Privacy, Security, and Sensitive Information)
Paano poprotektahan ng SMC Connected Care ang aking impormasyong pangkalusugan?

Post

Privacy at Seguridad

Gumagamit ang SMC Connected Care ng pinakamataas na mga pamantayan sa teknolohiya ng seguridad na mayroon sa industriya ngayon upang protektahan ang impormasyon ng iyong kalusugan.

Pinoprotektahan ng mga batas ng pederal at estado ang iyong pagkapribado sa pamamagitan ng pagtukoy sa kung sino ang maka-access ng iyong data. Ayon sa mga batas na ito, kailanman ay hindi ibibigay ang impormasyon ng iyong kalusugan sa sinuman bukod sa iyong pangkat sa pangangalagang pangkalusugan o mga awtorisadong clinician.

Dahil inililipat ang impormasyon ng iyong kalusugan sa elektronikong paraan, susubaybayan ng SMC Connected Care kung saan ipinadala ang impormasyon ng iyong kalusugan upang matiyak na mga provider lang ng iyong pangkat sa pangangalagang pangkalusugan ang nakakakita ng iyong impormasyon. Sa tuwing ina-access ng isang clinician ang iyong personal na impormasyon sa kalusugan, nirerekord ang mga ginawang pagbabago (audit trail). Mahalaga sa Sistemang Pangkalusugan ang iyong pagkapribado, at ang ganitong uri ng pananagutan ay nagbibigay ng karagdagang lebel ng seguridad para sa impormasyon ng iyong kalusugan.

Ini-encrypt ang impormasyon ng iyong kalusugan sa isang uri ng teknikal na wika na maaari lang isalin o i-decrypt ng mayroong awtoridad na gawin ito. Kaya, ang iyong mga provider ng team ng pangangalagang pangkalusugan lang ang makakabasa ng impormasyon ng iyong kalusugan.

Sensitibong Impormasyon

Patuloy na poprotektahan ang mga sensitibong impormasyon sa kalusugan gaya ng ginagawa rito ngayon. Mga awtorisadong provider lang ng pangangalagang pangkalusugan ang makakakita ng mga sensitibong impormasyon sa pangangalagang pangkalusugan.  Ang SMC Connected Care ay mayroong karagdagang antas ng proteksyon para sa impormasyong ito kung saan dapat magbigay ng dahilan ang mga clinician kung bakit nila kailangang suriin ang impormasyong ito. Ang lahat ng pagtingin sa mga sensitibong impormasyon ng kalusugan ay ina-audit at ipinapaalam sa kawani ng Namamahala sa Kalidad para suriin ang kaangkupan.

Sa kaganapan ng paggamot para sa mga medikal na emergency, HINDI kailangan ng mga regulasyon ng Pederal at Estado ng hiwalay na paglalabas ng impormasyon na napirmahan ng pasyente/consumer. Nangangahulugan iyon na ang mga clinician sa isang medikal na emergency ay awtorisadong suriin ang lahat ng klinikal na impormasyon na kailangan nila upang magbigay ng naaangkop na pangangalaga. Kung ia-access nila ang impormasyon sa kalusugan sa pamamagitan ng SMC Connected Care, kailangan pa rin nilang magbigay ng dahilan para tingnan ang mga sensitibong impormasyon sa kalusugan. Ang kanilang “pangangailangang malaman” binibigyan ng awtorisasyon batay sa kanilang ibinibigay na paggamot sa isang emergency.